About DepEd

 October 8, 2020 8:59 AM    Luzviminda E. Saludares


Pederasyon ng Sangguniang Kabataan (SK) at Punong Lungsod ng Tayabas Namahagi ng Learning Kits


BY: JOAN KATHLEEN T. BRIZUELA, Education Program Specialist II
Bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan sa Lungsod ng Tayabas namahagi ng “learning kits” ang Pederasyon ng SK sa pangunguna ng Kapitan ng SK ng Lungsod ng Tayabas na si Art B. Pontioso katuwang ang Punong Lungsod Ernida Reysono sa Casa Communidad sa at iba’t-ibang pambulikong paraalan noong ika 27 ng Setyembre, 2020 mula ika 10 ng umaga hanggang ika 4 ng hapon.
Ang gawaing ito ay isa sa naging bunga ng paglalahad ng nakaplanong iba’t-ibang proyekto at aktibidad ng Sangay ng Dibisyon ng Tayabas, na ginanap noong ika 24 ng Hulyo, 2020 sa buwanang pagpupulong ng Pederayon ng Sangguniang Kabataan sa Balilo Function Hall bilang bahagi ng Brigada Eskwela.
Dahil dito, nagkaroon ng kamalayan ang mga SK sa mga pangangailangan ng mga kabataan sa kanilang mga baranggay upang maging kaagapay ng Kagawan ng Edukasyon sa Learning Continuity Plan (LCP) ng bawat paaralan. Pinatibay nang pagtatala ng pagsuporta ng mga kabataang lider ang kanilang pangakong tumugon at makiisa sa hamon ng edukasyon.
May kabuuang 18 paaralan ang nakatanggap ng learning kits kasama ang lahat ng paaralang sekundarya at mga paaralang elementarya na mayroon programang Special Education.
Maliban dito, tumugon din ang iba pang SK Chairman sa bawat baranggay sa pamamagitan ng kani-kanilang proyekto kagaya ng pamamahagi ng laptop table, USB Flash Drives, lagayan ng modyul, at pagboboluntaryo sa pamamahagi ng modyuls, at iba pa.